Nagtipon-tipon ang ilang progresibong grupo para sa isang kilos-protesta sa Mendiola, Manila, Huwebes, bilang paggunita sa ika-51 na taon simula nang idineklara ng dating diktador, Ferdinand Marcos Sr. ang Martial Law sa bansa.
Ilan sa mga panawagan ng mga aktibista ay pagtutol sa confidential funds na hinihiling ng Office of the Vice President at Kagawaran ng Edukasyon, pagsulong sa karapatang pantao at hustisyang pang-klima.
September 21, 1972, nang lagdaan ang Proclamation No. 1081 na isinasailalim ang buong bansa sa Martial Law, kung saan aabot sa 70,000 ang nakulong, 37,200 ang pinahirapan at pinatay, at 1,022 ang dinukot sa ilalim ng diktaduryang Marcos. | via Kyle Crispino/Centro Dalumat