โ๐๐ ๐๐๐ฃ ๐ก๐๐ซ๐ ๐ฌ๐๐ฉ๐๐ค๐ช๐ฉ ๐ฉ๐๐ ๐๐ค๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐๐ก ๐๐ช๐ฃ๐๐จโฆโ
Iyan ang binitawang pahayag ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary, Sara Duterte nang talakayin sa senado ang paghingi ng kanyang opisina at departamento ng confidential and intelligence funds (CIF) noong ika-4 ng Setyembre 2023. Umabot sa 650 milyong piso ang kabuuang pondong hinihingi ni Duterte, na siyang umani ng samuโt saring reaksyon, โdi lamang sa mga mambabatas, kundi maging sa mga ordinaryong mamamayan.
Subalit sa usaping CIF, hindi lamang ang Office of the Vice President (OVP) at DepEd ang napabalitang nais maambunan. Nakatawag pansin din ang pagsulpot ng iba pang ahensya ng pamahalaan na tila baโy sumusunod sa yapak ni Duterte. Nariyan din ang Department of Agriculture (DA)โna pinangangasiwaan ng panguloโang Department of Information and Communications Technology (DICT), at Department of Foreign Affairs (DFA). Sa kabuuan, umaabot sa tumataginting na 1.23 bilyong piso ang hinihinging pondo ng mga sibilyang ahensya ng pamahalaan para sa taong 2024.
โ๐๐๐ฎ๐-๐๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐๐ง๐ฃ?โ
Pero bago natin ikastigo ang mga ahensyang nabanggit sa kanilang paghingi ng CIF, alamin muna natin kung ano nga ba at para saan ang pondong ito na inaani ng gobyerno mula sa buwis ng taumbayan.
Base sa nakasaad sa COA-DBM Joint Circular No. 2015-1, ang CIF ay pondong inilalagak sa mga ahensya ng gobyerno para sa mga bagay na kailangang paglaanan ng seguridad at pagmamanman. Ito ay iginagawad upang segundahan ang mandato o operasyon ng mga ahensya; โpocket moneyโ, kumbaga.
โ๐๐ค๐ฌ, ๐จ๐๐ฃ๐๐ค๐ก ๐ข๐๐ฎ ๐ฅ๐ค๐๐ ๐๐ฉ ๐ข๐ค๐ฃ๐๐ฎ. ๐๐๐ ๐ ๐๐ฎ๐ค ๐ฃ๐.โ
๐๐๐ง๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐ค๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ช๐ข๐๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐๐ฎ๐ ๐จ๐ ๐ก๐๐ฉ๐๐ง๐๐ก ๐ฃ๐ ๐๐ช๐ก๐จ๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐ค ๐ฃ๐๐ฅ๐ช๐ฅ๐ช๐ฃ๐ฉ๐?
Bagamat maganda ang hangarin ng CIF, hindi maipagkakaila na isa itong butas na maaaring pagmulan ng korapsyon. Hindi kasi ito nasusuring mabuti kung saan nga ba inilalagak ang pondo at sa kung saan o kanino ito napupunta. Maski ang Commision on Audit (COA) ay walang kapangyarihan na busisiin kung saan nga ba ginagamit ng ahensya ang CIF. Ang tanging ngipin lang ng COA ay ipaalala sa mga ahensya ang tamang paggamit o paggasta ng pondo. Kaya naman hindi nakatakas sa mapupusok na mata ng mga kababayan natin ang hiling na 650 milyong piso ni Vice President Sara Duterte para sa OVP at DepEd.
Hirit ng ilan, bakit ipagkakaloob ang ganitong uri ng pondo sa mga nasabing ahensya, kung hindi naman ito naaangkop sa kanilang tungkulin? Masyado atang siksik, liglig, at nag-uumapaw ang inaasam na pondo.
Kaugnay nito, binusisi sa kamara ang 100 milyong pisong CIF ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang siste, 25 milyong piso palang mula sa kabuuan ang nagagastos ng PCSO gayong malapit nang magtapos ang taon. Hindi tuloy napigilan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na mag-ispekula ukol sa kung saan umaagos ang CIF ng korporasyon para sa taong 2023. Aniya, bakit hindi gamitin ng PCSO ang inilaang CIF sa pagsupil ng mga iligal na pasugalan. Pagdepensa ni Reymar Santiago, ang kinatawan ni PCSO Chairman Junie Cua, ginagamit naman daw ang pondo sa pagkamit ng adhikain ni Rep. Barbers, ngunit itoโy hanggang sa pagkalap lamang ng impormasyon kontra sa mga iligal na gambling operators sa bansa.
โWe have established coordination with law enforcement agencies NBI, PNP. Lalo din po sa LGUs (local government units) we are also coordinating for these illegal number games. Wala po kasi kaming police power thatโs why we can do that to that extent for coordinating,โ ani ni Santiago
Kumambyo din si PCSO Assistant General Manager Lauro Patiag na limitado lamang ang kayang gawin ng korporasyon at ng mga Local Government Units (LGUs) sapagkat wala silang police power upang mang-aresto ng mga tulisan sa batas; ang kapangyarihan na itoโy nasa kamay ng law enforcement agencies โ partikular na ang pulisya.
โ๐๐๐จ๐ฉ๐ค๐ง๐ฎ ๐ง๐๐ฅ๐๐๐ฉ๐จ ๐๐ฉ๐จ๐๐ก๐,โ anila.
Matatandaang hindi na bago ang ganitong uri ng suliranin pagdating sa paggasta ng pondo ng bayan. Kung sasariwain ang naganap na iskandalo noong 2013: ang tinaguriang pork barrel scam, kung saan nasangkot, nahatulan, at nakulong ang ilan sa nooโy mga primyadong miyembro ng kamara, senado, at ilang personalidad dahil sa maling paggamit at pagnakaw ng mga pondo ng Philippine Development Assistance Fund (PDAF), fertilizer fund ng DA, at Malampaya.
โI invoke my right,โ ani ni Janet Napoles, ang tinaguriang pork barrel queen.
Marahil ay dahil sa iskandalong ito kung kaya hindi na nagpakampante ang maraming Pilipino sa isyu ng CIF sa kasalukuyang panahon. Maraming kababayan natin, at maging mga kawani ng gobyerno ang tahasang tumuligsa sa pagpila ng mga sibilyang ahensya ng pamahalaan sa CIF. Pinaulanan ng batikos si Vice President Sara Duterte sa kanyang paghingi ng nasabing pondo; pinalala pa ito ng kanyang pag-iwas sa mga katanungan ni Sen. Riza Hontiveros sa kung ano ang maaaring kaugnayan ng kanyang opisinaโt departamento sa CIF.
Hindi naman nagptalo ang pangalawang pangulo; pagtatanggol niya, ang kaukulang CIF ay gagamitin sa mandato ng kanyang opisina at sa pagprotekta ng mga mag-aaral kontra sa pag-recruit ng mga makakaliwang grupo gaya ng New Peopleโs Army (NPA). Dagdag pa niya, ang sinomang kontra sa CIF, ay kontra sa kapayapaan.
Ngunit nag-iba ang hangin nang biglang lumingon ang gobyerno sa isyu ng agawan at lumalang tensyon sa West Philippine Sea. Nabigyan ng mikropono ang Philippine Coast Guard (PCG) na ilabas ang kanilang hinaing at hiling ukol sa kanilang CIF. Ayon kasi sa PCG, sa loob ng 17 taon, 117 milyong piso lang ang kanilang natanggap na CIF. Higit na mas mababa sa kung ano ang hinihiling ng mga ahensya ng pamahalaan sa loob lamang ng isang taon.
โ๐๐๐๐๐ฉ ๐ ๐ค๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ฃ, ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐จ๐โ๐ฎ๐คโฆโ
Nagpahiwatig naman ng hiling ng paglalambing ang PCG sa pamahalaan nang magsagawa ng pagdinig ang senado ukol sa pondo nito para sa 2024. Anila, sila ang pangunahing nagpapatrol sa mga pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at Tsina; sa panahon ng kagipitan, salat umano ang PCG sa pangangalap ng impormasyon. Dagdag pa ang pang-aabuso ng Tsina kamakailan sa mga barko ng Pilipinas, humingi na ng saklolo ang PCG na kung sanaโy taasan naman ang kanilang pondo.
โ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐จ๐โ๐ฎ๐ค, ๐๐๐๐ค๐ก๐! ๐ผ๐ ๐๐ฃ ๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฌ๐, ๐๐จ๐ฉ๐, ๐ฅ๐ค๐ฃ๐๐ค ๐ ๐ค!โ
Ikinabigla ng marami ang naging desisyon ng mayorya sa kamara na alisin ang 1.23 bilyong piso ng CIF na dapat sanaโy para sa mga sibilyang ahensya, at bagkus ay ilipat sa mga tinaguriang front-line agencies o mga ahensyang ang pangunahing responsibilidad ay ang kaligtasan at proteksyon ng bansa. Hindi pa man ito pormal na naisasakatuparan, malaki ang kumpyansa ng nakararami na hindi mapapako ang pangakong binitawan ng parehong lider ng kamara at senado.
Bilang pampalubag-loob naman sa mga ahensyang matatapyasan ng CIF, sabi ni House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co, pupunan nalang ng karagdagang pondo ang mga proyektong may kinalaman sa maintenance and other operating expenses (MOOE). Wala namang naging maingay na pahayag ang tagapangasiwa ng OVP at DepEd sa naging aksyon ng kongreso. Marahil ay naging tunay nga siya sa kanyang binitawang pahayag na, โ๐๐ ๐๐๐ฃ ๐ก๐๐ซ๐ ๐ฌ๐๐ฉ๐๐ค๐ช๐ฉ ๐๐ค๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐๐ก ๐๐ช๐ฃ๐๐จโฆโ
Sa ganang akin, ๐๐ฃ๐ ๐ ๐ช๐๐ฃ ๐๐ฎ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฎ ๐ ๐ช๐๐ฃ; ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฎ ๐๐๐๐ง๐ค, ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฅ๐ช๐ฃ๐ฉ๐ ๐ ๐๐ฎ ๐๐๐๐ง๐ค. Sa usaping ito, mas nangangailangan ang mga tanggapan ng pamahalaan na tumatalakay at gumagarantiya sa soberanyaโt seguridad ng bansa. Marahil masasabing kailangan, ngunit ito baโy naaangkop sa kung ano ang itinakdang mandato? Mahiya naman po sana tayo.
โThere can be no faith in government if our highest offices are excused from scrutinyโthey should be setting the example of transparency,โ ani ni Edward Snowden sa kanyang panayam sa The Guardian.
Kung kaya’y huwag sana tayong maging gahaman sa ating kapwa Pilipino; hindi lahat ng nakahain sa hapag ay malaya nating madadampot. Ang buwis ng taumbayan ang siyang kaluluwa ng bansa. Marapat lamang na itoโy ilagak sa kung ano ang makapapawi ng uhaw ng sambayanan. At sa ngayon, kung saan nanganganib ang ating seguridad mula sa panganib na hatid ng nag-aatikabong tensyon sa West Philippine Sea, sanaโy tuluyang supilin na ang gabundok na barya-baryang lihim ng iilan.